MANILA, Philippines - Inanunsiyo kahapon ng Malacanang ang pagkakatalaga kay Christian Robert Lim bilang bagong commissioner ng Commission on Elections (Comelec).
Si Lim, 37 anyos at binata, ang naging kapalit ni Gregorio Larrazabal na nagtapos ang termino noong Pebrero.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, may termino si Lim hanggang 2018 na inaasahan nilang magpapatupad ng reporma sa komisyon.
Nagsilbi ito sa legal/anti-fraud group at quick reaction team ng Aquino-Roxas Bantay Balota noong halalan.
Naging private prosecutor din ito sa kaso ni dating Pangulong Joseph Estrada at sa murder case laban kay Sen. Ping Lacson.
Maliban kay Lim, inianunsyo din ng Malacañang ang pagkakahirang kay Rasol Lamping Mitmug bilang bagong commissioner ng Civil Service Commission (CSC).
Siya ang pumalit kay Cesar Buenaflor at magpapaso ang kanyang termino sa February 2018.