Anak ni Sally hiling i-record ang boses ng ina

MANILA, Philippines -    Hiniling ng 12-anyos na anak ni Sally Ordinario Villanueva na kung maaari ay i-record na lamang ang boses ng kanyang ina na nakatakdang bitayin ngayong umaga sa China, kasama ang dalawa pang Pinoy.

Ayon kay Princess Mae Joy Villanueva, nais niyang paulit-ulit na marinig ang tinig ng kanyang ina hanggang sa kanyang pagtanda. Kung hindi man aniya mapagbibigyan ang kanyang kahilingan, umaapela naman si Princess sa kanyang Lolo Geronimo na patawagin sa kanya ang kanyang ina bago igawad ang parusang bitay dito.

Iniaalay naman ni Princess ang kantang “Heaven” ni Bryan Adams para sa kanyang ina.

Samantala, adobong isaw na baboy at apat na balot ng chicharon ang dalang pasalubong nina Geronimo at Basilisa Ordinario para sa anak nilang si Sally sa China.

Bukod kay Sally, nakatakda ring bitayin ngayon sina Ramon Credo at Elizabeth Batain dahil din sa drug case.

Show comments