MANILA, Philippines - Isa ang Globe Telecom sa masugid na nangangampanya para sa Earth Hour na isang international call to action laban sa global warming at climate change.
Naka-schedule ang Earth Hour sa ganap na 8:30pm – 9:30pm ngayong Sabado, March 26 kung saan ang mga concerned citizens at organizations sa buong bansa ay inaasahang papatayin ang kanilang mga ilaw sa loob ng isang oras. Ang tema ngayong taon ay iniengganyo ang mga tao na “to commit to actions that go beyond the hour” upang mas umayos ang mundo.
Nagsagawa ang Globe ng text blast sa kanilang mga postpaid at prepaid cell phone service subscribers na nagpahayag ng kagustuhan na makatanggap ng libreng advisories mula sa kumpanya noong March 25.
Nakapaloob sa text broadcast ang sumusunod na mensahe: “FREE Globe Advisory: On March 26, 2011 at 8:30 pm, join Globe and the rest of the world in turning our lights off for one hour to make our stand against climate change. Remember, every watt will make a difference. No Globe Advisories? Txt STOP to 2977 for FREE”.
Nakipag-partner din ang Globe sa provincial government ng Rizal sa ilalim ni Gov. Jun Ynares para sa pagsasagawa ng Earth Hour sa naturang probinsiya.