MANILA, Philippines - Matapos ang mahigit sa isang buwang pagkakatigil ng operasyon dahil sa naganap na banggaan ng dalawang tren ay nakatakda ng magbalik operasyon sa susunod na Lunes (Marso 28) ang Light Rail Transit (LRT) mula sa Balintawak at Roosevelt Ave. Station.
Ayon kay LRTA spokesman Hernando Cabrera, nakumpleto na umano ang functional testing at safety inspection ng nasabing mga istasyon.
Bukod sa re-evaluation ng LRT at MRT system ay magsasagawa pa sila ng karagdagang safety policy, re-training at semi-annual driving sa lahat ng train operators na isasailalim din sa periodic tests.
Pebrero 18 nang mag kaaberya ang LRT Line 1 Balintawak at Roosevelt station nang magkabanggaan ang dalawang coach ng tren dahil umano sa pagiging abala ng isa sa mga operator nito sa paggamit ng cellphone.
Milyong piso umano ang nawalang kita ng LRT dahil sa mahigit na isang buwan na pagkakatigil ng operasyon nito.