MANILA, Philippines - May inilatag nang contingency plan ang pamahalaan sakaling tamaan ng malakas na lindol ang bansa, partikular sa Metro Manila.
Ito ang tiniyak kahapon ni Metro Manila Development Authrority (MMDA) Chairman Francis Tolentino kasabay ng isinagawang Earthquake Readiness of Metro Manila sa Quirino Grandstand, sa Maynila. Dinaluhan ito ng mahigit 3,000 tauhan ng operational units ng MMDA at mga kinatawan mula sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila.
Ani Tolentino, handa na ang iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno sa posibleng idulot ng kalamidad tulad ng trahedya at pananalanta sa Metro Manila.
May nakaantabay lamang umanong “Task Force Rainbow” na binuo ang MMDA katulong ang local government units (LGUs) na hinati sa apat na section. Kinabibilangan ito ng Metro Manila-North; Metro Manila-South, Metro Manila-East at Metro Manila-West.
Layunin ng task force ang mabilisang pagtugon o aksiyon sakaling tamaan ng matinding kalamidad ang Kamaynilaan.
Kabilang sa pagsasanay ang paggamit ng mga makinarya at equipment na makatutulongs apagsalba ng mga buhay, at first aid training na kakailanganin sa panahon ng katulad na kalamidad ng lindol.