MANILA, Philippines - Nakalusot na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang isang joint resolution na magpapalawig sa buhay ng Congressional Power Commission.
Binuo ang nabanggit na komisyon sa ilalim ng Republic Act 9136 o ang Electrical Power Industry Reform Act of 2001 o mas kilala sa tawag na Epira law na nakatakdang mag expire sa Hunyo 26 ng taong kasalukuyan.
Sinabi ni House Speaker Feliciano Belmonte sa pamamagitan nito ay madali nang marerebisa ng Kongreso ang implementasyon ng Epira law partikulara na ang kumpetisyon sa power sector, operasyon ng wholesale electricity spot market, privatization ng Napocor at iba pang stranded cost na nagdudulot ng dagdag na singil sa kuryente.
Nilinaw pa ni Belmonte na mahalaga ang papel na ginagampanan ng kumisyon upang masiguro na transparent ang pagpapatupad ng Epira law.
Kaugnay nito sinabi naman ni Deputy speaker Arnulfo Fuentebella (4th district, Camarines Sur) na nangangailangan pa ng panibagong sampung taon upang masiguro ang implementasyon ng pagsasa pribado ng natitirang 82% ng Napocor generation assets at 31.2% ng IPP contracts.