Garcia, Ligot, mga misis at bayaw kinasuhan ng tax evasion ng BIR

MANILA, Philippines - Kinasuhan ng multi mil­yong tax case ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) ang dalawang da­ting military comptroller at kani-kanilang asawa dahil sa umano’y kabiguang magbayad ng kaukulang buwis sa BIR.

Ang mga kinasuhan ay sina retired Maj. Gen. Carlos Garcia, asawa nitong si Clarita Garcia; retired Lt. Gen. Jacinto Ligot at maybahay nitong si Erlinda Yambao-Ligot; bukod pa sa kapatid ni Mrs. Ligot na si Edgardo Tecson Yambao.

Sinasabing ang mag-asawang Garcia ay hindi umano nakapagbayad ng P235 milyon sa buwis mila noong 2002 hanggang 2003.

Halos P300 milyon naman ang naging tax liability ni Ligot, habang P137 mil­yon ang bayarin sa buwis ng kaniyang misis.

Ang negosyanteng si Yambao ay nahaharap din sa P200 milyong tax evasion case dahil naman sa hindi deklaradong mga yaman nito at hindi pagbabayad ng kaukulang buwis. (Angie dela Cruz/Ludy Bermudo)

Show comments