Tinapay magmamahal din

MANILA, Philippines - Kasunod ng pagtaas ng presyo ng langis, magtataas naman ngayong Marso ang presyo ng tinapay sa pamilihan dahil sa pagsirit rin ng halaga ng inaangkat na harina.

Inamin ni Trade and Industry Undersecretary Ze­naida Maglaya na hindi na nila mapi­pigilan ang pagtaas ng presyo ng tinapay na nagawa nilang harangin mula pa nitong nakaraang Enero.

Wala na rin umanong ibang paraan para ma­kabawi ang mga panadero dahil sa sobrang mahal na ang nabibiling harina. Napapanahon na umano para mapagbigyan naman ang mga panadero upang tulu­yang hindi tumiklop ang negosyo ng mga ito.

Tiniyak ng DTI na gagawan nila ng paraan para manatili sa P38 kada loaf ang presyo ng Pinoy tasty.

Nagpasalamat naman ang DTI sa mga panadero sa pagsunod sa atas ng pamahalaan na hindi muna magtaas ng presyo noong Enero ngunit binilinan rin ang mga ito na huwag sosobra sa pagtataas na kanilang isasailalim sa monitoring.

Show comments