Price freeze sa presyo ng langis hirit

MANILA, Philippines - Sa pangambang tumaas ang presyo ng langis dahil sa kaguluhan sa bansang Libya, humirit ng price freeze ang grupo ng tsuper kay Pangulong Aquino.

Naniniwala si Piston Secretary General George San Mateo na gagamitin lamang ng ilang oil company sa bansa ang kaguluhang nagaganap sa Libya para magtaas ng presyo ng langis. Patunay anya dito ang nakaambang P2.50 oil hike sa susunod na buwan.

Nagbanta rin ang Piston na kung magsasagawa ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis ay maglulunsad sila ng malawakang kilos protesta.

Ang price freeze ang tanging paraan para hindi umano magamit ang sitwasyon sa Libya ng mga mapagsamantalang oil companies. 

Show comments