MANILA, Philippines - Upang magkaroon ng internationally competitive graduates ang Pilipinas, sisimulan na ng Department of Education (DepEd) na ituro sa mga high school students sa bansa ngayong school year 2011-2012 ang Mandarin, na widely-used language sa world economic power China, at ang Arabic, na ginagamit na salita naman sa Middle East.
Ayon kay Director Lolita Andrada, chief ng Bureau of Secondary Education ng DepEd, nais nilang ihanda ang mga Filipino students at gawing mas competitive ang mga ito sa global arena.
Sa kasalukuyan ay ang English ang unang foreign language na mina-master ng mga piling secondary students, habang ang iba pang foreign language na itinuturo na rin sa mga third at fourth year students ay ang Spanish, French, Japanese at German, sa ilalim ng Special Program in Foreign Language ng DepEd.
Sinimulan ng DepEd ang pagtuturo sa mga piling school ng Spanish, Japanese at French noong school year 2009-2010, habang ang German ay itinuturo na rin simula nitong 2010-2011.
Ang Spanish ay itinuturo na umano sa 54 high school, ang Japanese ay sa 12 high school, ang French sa 12 high school at ang German ay sa siyam na school sa buong bansa.