Romulo sapol sa revamp

MANILA, Philippines - Kinumpirma ni Pangulong Aquino na kasama si DFA Sec. Alberto Romulo sa tatamaan ng revamp sa kanyang Gabinete.

Sinabi ng Pangulo na may bagong puwesto na iaalok kay Sec. Romulo pero tumangging banggitin ng Presidente.

Aniya, sa loob ng linggong ito ay ihahayag niya ang Cabinet revamp at pinaplantsa na lamang ito para walang aberya.

Ayon sa source, nagbabalot na si Romulo sa DFA at ito ang napipisil ni PNoy na ipalit kay retired COA chief Reynaldo Villar.

Ipapalit kay Aquino sa DFA si dating Ambassador to Washington Albert del Rosario.

Show comments