MANILA, Philippines - Tulad ng kaarawan ni Pangulong Aquino ay isang working day din para sa chief executive ang Valentines Day.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi nila alam kung mayroon bang ‘ka-date’ ang Pangulo ngayong Araw ng mga Puso.
Pero dahil kaarawan din ng bunsong kapatid ng Pangulo na si Kris ang araw na ito, posible anyang magkaroon ng salu-salo ang magkakapatid.
Magugunita na matapos makipag-break si P-Noy sa kanyang girlfriend na si Valenzuela City Councilor Shalani Soledad ay ilan pang babae ang naugnay sa Pangulo, isa na rito si Liz Uy na sytlist ni P-Noy.
Ang pinakahuli ay ang bank broker na si Len Lopez na nakilala nito sa birthday party ng kanyang pinsan na si Tonyboy Cojuangco.