MANILA, Philippines – Itinakda na sa Marso 29-30 ang simula ng formal talks sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos ang matagumpay na pag-uusap ng mga ito noong Pebrero 9-10 sa Malaysia.
Sinabi ni Atty. Marvic Leonen, chairman ng GRP panel, napagkasunduan ng GRP-MILF panel sa kanilang huling pulong na amyendahan ang Terms of Reference ng International Monitoring Team at ang Implementing Guidelines ng Ad Hoc Joint Action Group na ipapatupad sa loob ng 12 buwan.
Aniya, magsisimula ang pagpapatupad ng bagong AHJAG sa Marso 1 upang magkaroon ng koordinasyon para mahiwalay ang mga tinaguriang criminal elements mula sa regular MILF members.