MANILA, Philippines - Sa kabila ng matinding batikos na ibinato ni Senator Miriam Defensor-Santiago kay dating Secretary Angelo Reyes, sinabi kahapon ng senadora na namatay ang dating heneral na inosente dahil hindi naman ito naisalang sa trial.
“Technically, Gen. Angelo Reyes died with the presumption of innocence on his side, because he never went to trial,” sabi ni Santiago.
Ayon pa kay Santiago, sa Penal Code, burado na lahat ng criminal at civil liabilities ni Reyes ng ito ay mamatay.
Itinuring lamang umanong “person-in-interest” o “suspect” si Reyes sa imbestigasyon ng Senado tungkol sa kuwestiyonableng plea bargaining agreement na pinasok ni dating AFP Comptroller Carlos Garcia sa Sandiganbayan kung saan naungkat naman ang korupsiyon sa militar.