MANILA, Philippines - Idineklarang makabagong bayani si dating Commission on Audit (COA) special auditor Heidi Mendoza sa ginanap na 2010 Alumni Homecoming ng San Beda College matapos ang ginawa nitong pagbubunyag sa kanyang natuklasang katiwalian sa loob ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay Manila City hall Administrator at San Beda Reds Batch 86 president Jesus Mari Marzan, dapat lamang suportahan si Mendoza dahil sa tapang na ipinakita nito sa kabila ng mga banta sa kanyang buhay.
Nagbigay din si Marzan ng halagang P50,000 para naman sa kampanya ni Manila Mayor Alfredo Lim bilang suporta kay Mendoza.
Napag-alaman na pumayag ng muli si Mendoza na humarap sa gagawing pagdinig ng Kongreso bukas.