Rolito Go 'kunwari' maysakit para makalaya - Maguan

MANILA, Philippines - Naniniwala ang pa­milya ng nasawing si Eldon Maguan na nagku­kun­­waring maysakit lamang ang convicted murder na si Rolito Go para maka­laya ito mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.

Ito ang paniniwala ng pamilya Maguan matapos nagpahayag si Go na mayroon daw siyang terminal colon cancer, na kanyang nadama noong isang taon lamang.

Ayon kay Grace Maguan, noong isang taon ay nagpahayag siya sa media na mayroon siyang diabetes, heart ail­ment, asthma and hy­pertension at ngayon naman ay cancer.

Subalit, napag-alaman ng mga Maguans sa ka­nilang mga asset sa BNP na malakas pa rin ang pangangatawan ni Go simula noong ito ay makulong noong 1996.

Sinabi ni Grace, nakadarama lang ng sakit si Go, 62, dahil sa dala ng kanyang katandaan.

Nakiusap din si Grace kay Presidente Aquino na huwag bigyan ng executive clemency si Go dahil 15-taon pa lamang na naka-kulong si Go sa BNP at hindi 24-taon na kanyang sinasabi sa media.   

Si Go ay nasistensyahan noong 1996 ng Pasig Regional Trial Court ng reclusio perpetua o na may maximum na 30-taon na pagka-kulong dahil sa pagpatay kay Eldon, isang De la Salle engineering student, sa Greenhills, San Juan.  Si Go ay tatlong beses ng nag-apply ng executive clemency pero tinanggihan na ng Bureau of Pardons and Parole dahil sa kakulangan ng merito. 

Show comments