Misis nina Reyes, Ligot may 'pabaon' din - Jinggoy

MANILA, Philippines - Ibinunyag kahapon ni Sen. Jinggoy Estrada na hindi lamang si dating AFP Chief of Staff Angelo Reyes ang tumanggap ng pabaon kundi maging ang kanyang maybahay at ang misis ni retired Gen. Jacinto Ligot.

Sinabi ni Sen. Estrada, batay sa dokumento na kanyang nakuha ay tumatanggap din ng ka­nilang pabaon sa tuwing bibiyahe sina Mrs. Teresita Reyes at Mrs. Erlinda Ligot mula sa pondo ng AFP.

Ayon kay Estrada, bukod sa pondo ng gobyerno ang ginagamit sa biyahe ng dalawang misis ng dating AFP chiefs ay mayroon pa silang pabaon sa kada-byahe nila.

Isisiwalat ito ni Jinggoy sa susunod na hearing ng Senado sa Huwebes habang sinabi din nito na isang ‘squid tactics’ ang ginawang pagsasampa ng kaso sa kanya ni Reyes sa Ombudsman.

Show comments