Walang masama sa 'armored' Lexus ni PNoy - Palasyo

MANILA, Philippines - Walang nakikitang masama ang Malacañang kung gumamit man ng ‘armored’ na sasakyan si Pangulong Aquino para sa seguridad nito.

Sinabi ni Deputy Pre­sidential Spokesperson Abi­gail Valte, bagama’t wa­lang real threat sa Pangulo ay marapat lamang na gumamit talaga ito ng ‘reliable’ vehicle upang hindi din ito itirik sa kanyang biyahe at para na rin sa kanyang proteksiyon.

“Hindi lamang naman kung may real threat. Talagang ang gi­nagamit na sasakyan ng Pangulo ay reliable, delikado kung mag-break down in the middle of somewhere da­pat lamang normal security ng Pangulo ang ginagamit na vehicle ay armored,” dagdag pa ni Usec. Valte.

Magugunita na inamin ni Pangulong Aquino na gumagamit siya ng armored na Lexus na pahiram umano ng kanyang bayaw.

Naunang nakita ang Pangulo na sakay ng bagong Lexus nang bisitahin nito ang mga biktima ng pagsabog ng isang bus sa St. Luke’s Hospital sa Global City, Taguig.

Unang umamin ang Pangulo na bumili siya ng Porsche na luxury car.

Show comments