Hong Kong - Na-reset ang arraignment ni Ilocos Sur Rep. Ronald Singson kaugnay sa kanyang drug case habang nag-inhibit naman ang hukom na may hawak nito na si Judge Stanley Chan ng Wan Chai Court.
Sinabi ni Judge Chan, nag-inhibit siya sa paghawak ng kaso matapos siyang makatanggap ng ‘sulat mula sa isang OFW na ‘naninira’ kay Singson.
Itinakda sa Enero 31 ang arraignment ni Singson at bagong hukom na ang hahawak sa kaso nito.
Nakatakda namang umamin si Singson na dati siyang ‘drug user’ at ang nahuli sa kanyang droga ay pansariling gamit lamang.
Ayon kay Judge Chan, nakatakda sanang mag-plea ng guilty si Singson sa drug trafficiking case nito kaugnay ng nahuli ditong 26.1 grams ng cocaine at 2 tableta ng valium sa kanyang luggage noong July 11 ng dumating ito sa HK airport.
Nakakalaya naman si Singson dahil sa piyansa nitong 1million HK dollars at nasa ilalim ng custody ng HK businessman na si Derrick Wong at Annie Shie.
Umapela naman si Singson sa kanyang mga kasamahan sa Kamara na huwag muna siyang husgahan at hintayin ang magiging hatol ng Hk Court sa kanya.
Kinumpirma naman ng abugado ni Singson na si Atty. John Reading na maghaharap ng guilty plea si Singson sa drug trafficking case nito subalit igigiit nila na pansariling gamit lamang ang nahuling droga ditto at hindi para ibenta.