Brillantes pabor na IT expert na abugado sa Comelec

MANILA, Philippines - Pabor si Comelec chairman Sixto Brillantes na isang abugado na expert din sa Information Technology (IT) ang susunod na itatalaga ni Pangulong Benigno Aquino III sa poll body.

Sinabi ni Brillantes, mas gagaan ang ka­nilang trabaho kung IT expert din ang mga maitatalagang commissioners sa Comelec ng Malacanang dahil na rin sa automated elections at importante din na abugado ang mga ito upang maging madali ang pagdedesisyon sa protesta.

Ginawa ni Brillantes ang pahayag kasunod na rin ng nakatakdang pagtatapos ng termino sa susunod na buwan nina Comelec Commissioners Gregorio Larrazabal at Nicodemo Ferrer.

Show comments