MANILA, Philippines - Ibinasura ng government panel ang kondisyon ng National Democratic Front (NDF) na palayain muna ang kanilang hinuling lider bago simulan ang pormal na negosasyon ng peace talks sa darating na Pebrero.
Sinabi ni Presidential Peace Adviser Teresita Deles, pinanindigan ng government panel ang naunang pahayag nito na wala sa listahan ng mga consultants ng NDF ang hinuling NPA leader na si Tirso Alcantara alyas Ka Bart, kamakailan sa Lucena City.
Ayon kay Sec. Deles, wala sa listahan ng mga consultants ng NDF si Alcantara kaya hindi ito cover ng immunity mula sa pagkakaaresto.
Nakatakdang simulan ang formal peace talks sa pagitan ng GRP at NDF sa Oslo, Norway sa Pebrero 15-21.