PNP kinampihan ni Sen. Miriam

MANILA, Philippines - Nakakita ng kakampi ang Philippine National Police (PNP) sa katauhan ni Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Inendorso pa ni Sen. Santiago si PNP chief Raul Bacalzo na tumakbong senador sa 2013 dahil sa taglay na kwa­lipikasyon nito.

Naging panauhin si Santiago sa ika-32 ani­bersaryo ng PNP Intelligence Group kahapon sa Camp Crame.

Wika pa ni Santiago, dahil lamang sa pagkakamli ng ilang bad eggs sa PNP ay nadadamay ang buong organization.

Nais din niyang am­yendahan ang PNP law upang mapabilis din ang pagdinig sa kaso ng mga pulis na nahaharap sa kasong criminal at administratibo.

Hinimok din niya ang mga mambabatas na ilaan ang kanilang pork barrel sa scholarship ng mga anak ng pulis at sundalo.  

Show comments