Malinis at malinaw na bidding sa P63-M garbage contract hiniling

MANILA, Philippines - Hiniling ng isang anti-graft group sa pamahalaan ng Marikina City na siguruhin ang isang “credible at transparent bidding” sa P63-milyong garbage hauling at disposal contract para sa taong 2011.

Ginawa ng Center for Anti-Graft and Corruption Prevention, Inc. (The Center) ang panawagan mismo kay Marikina Mayor Del De Guzman sa gitna ng naglalabasang mga report na mayroong balak ang ilang grupo na manipulahin ang subasta.?

Sinabi ni Lane Afable ang kanyang agam-agam na mayroon na raw dalawang kumpanya na kasali sa bidding sa Enero 19, ang naghahakot na ng basura kahit pa walang kontrata.

Kinausap ni Afable nuong Biyernes si Mayor De Guzman upang makuha ang kasiguraduhan na ang magiging subasta ay “ clean and fair.”

Show comments