MANILA, Philippines - Pinabulaanan ni dating Vice Governor David Ponce de Leon ang mga nalathalang paratang laban sa kanya ng isang ginang sa Palawan hinggil sa bentahan sa lupa sa bayan ng Busuanga noong taong 2006.
Si Ponce de Leon ay inireklamo sa Department of Justice ni Selwin Albag dahil hindi umano nito ibinigay ang kabuuang P14 milyon na pinagbentahan ng Rat Island sa Brgy. Concepcion sa Busuanga sa mga may-ari ng lupain.
Itinanggi ni Ponce de Leon ang akusasyon at isinumite ang mga dokumento na magpapatunay na naibigay niya sa 15 may-ari ng Rat Island ang halaga na pinagbentahan nito at humingi lang sa kanya ng tulong ang mga nasabing may-ari ng lupa para mangasiwa sa bayaran.
Malaki ang paniniwala ni de Leon na pulitika ang motibo ng akusasyon ni Albag para masira ang kanyang pangalan at posibleng ang nasa likod nito ay ang ilang kritiko ng Palawan Council for Sustainable Development dahil sa patuloy na pagtutulol ni de Leon sa pagmimina sa Palawan.