Metro Manila dadanas ng rain shower

MANILA, Philippines - Dadanas ng ‘rain shower’ o mana­kana­kang mga pag-ulan ang Metro Manila ngayong linggo.

Ito ang inihayag kahapon ni Robert Sawi, forecaster ng PAGASA bagaman naging maaliwalas nitong Sabado ang klima sa Metro Manila .

Sinabi nito na hindi rin magiging matagal at ma­lakas ang mga pag-ulan dahil mistulang ‘shower’ lamang ito sa ilang sandali.

Simula pa noong unang araw ng Enero ngayong taon ay naranasan na ang malakas na ulan sa buong rehiyon kung saan naiulat na ang malawakang baha at landslide sa iba’t ibang dako ng Visayas at ilang bahagi ng Mindanao.

Show comments