MANILA, Philippines - Upang matugunan ang kakapusan sa manpower sa tanggapan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service (PAGASA), may 12 bagong forecasters ang kinuha ngayon ng naturang kagawaran.
Ayon kay Jori Loiz, weather forecaster, sa naturang bilang tatlo lamang sa mga ito ang magiging weather forecaster habang ang iba ay napunta sa flood forecasting at climatology.
Aminado si Loiz na kakaunti lamang ang pumapasok sa forecasting center dahil sa mababa ang pasuweldo ng gobyerno para sa mga ito.
Sumasailalim na sa masteral sa Ateneo de Manila University ang 12 forecaster.