MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan na rin ni Justice Secretary Leila de Lima sa National Bureau of Investigation (NBI) kung gaano katotoo at tunay na nasa Estados Unidos si Hubert Webb nang maganap ang masaker.
Ito ay sa kabila ng naging desisyon ng Korte Suprema kung saan binigyang bigat ang depensa ni Webb na nasa Amerika ito ng maganap ang karumal-dumal na krimen.
Nais din masiguro ni de Lima kung ang pasaporte na prinisinta ni Webb sa korte na nagpapakita na nasa US ito ay authenticated at kung bakit hindi iprinisinta ang orihinal na pasaporte nito noong dinidinig pa ang kaso gayundin ang boarding pass nito.
Ang tanging prinisinta lamang umano sa Korte ng kampo ni Webb ay ang Immigration officer at konektado pa ngayon sa BI na si Ferdinand Sampol na nag-stamped ng passport nito na ngayon ay naka “freeze” dahil sa reklamong sangkot umano ito sa human trafficking sa NAIA.
Ibinunyag din ng kalihim na bukod sa DNA sample, ang logbook ng security agency ng subdivision ng maganap ang krimen ay misteryosong nawala at hindi naiprisinta sa korte at sinabi na lamang ng security guard na nawala ito.