MANILA, Philippines - Sa pagpasok ng Bagong Taon isasagawa ni Pangulong Aquino ang revamp sa kanyang Gabinete.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, sinabi ng Pangulo na tatlong miyembro ng Gabinete ang posibleng maapektuhan ng balasahan.
Ani Lacierda, tanging ang Pangulo lamang ang nakakabatid kung sinu-sino ang apektado at maging sila ay nagulat sa tinuran ng chief executive.
Nilinaw pa ni Lacierda na ang mga talunang kandidato ng Liberal Party ay puwede lamang ipuwesto ng Pangulo pagkatapos ng 1-year ban.
Kaya wala anyang katotohanan na si dating senator Mar Roxas ang papalit kay Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. sa pagpasok ng Bagong Taon.