Morong 5 itutumba

MANILA, Philippines –  Lima pang nalalabi sa Morong 43 ang plano umanong likidahin ng kanilang mga kasamahang rebeldeng New People’s Army sa oras na tanggalin na ang mga ito sa kustodya ng tropa ng militar.

Ang lima sa Morong 43 ay nasa ilalim ng pangangalaga ng Army’s 2nd Infantry Division (ID) sa Tanay, Rizal na tumangging magsiuwi dahilan sa banta sa kanilang buhay mula sa mga dating kasamahang rebelde.

Kinilala ang mga ito na sina Cherilyn Tawagon, Eleanor Ca­randang, Jennyllyn Pizzaro at John Mark Barrientos.

Batay sa intelligence report, plano ng mga rebelde na itumba ang lima sa oras na lumabas na ang mga ito sa kustodya ng militar.

Bilang reaksyon, sinabi naman ni Acting Spokesman Col. Daniel Lucero ng Philippine Army na tungkulin nilang bigyang- seguridad ang lima na nauna nang nagsiamin na sila’y mga lehitimong kasapi ng rebeldeng NPA.

Show comments