Cameraman ng ABS-CBN binoga, patay

MANILA, Philippines –  Isang assistant came­raman ng ABS-CBN ang nasawi matapos na barilin ng isang lalake sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si Juan Torregoza, 37, assistant cameraman ng ABS-CBN at residente ng Interior 19 J.P. Rizal St. Barangay Sta. Lucia sa lungsod.

Tugis naman ng awtoridad ang suspect na si Benjie Bate ng Block 5, Lot 2, Baluyot 2-B, Barangay Sauyo Novaliches, na mabilis na tumakas.

Ayon kay Juanson, nangyari ang insidente sa panulukan ng M. Aquino St. ganap na alas 12:30 ng hapon.

Sinasabing nag-iinuman ang biktima at ilang kalalakihan nang duma­ting ang suspect na may kinukursunada sa nasabing lugar.

Diumano, sinaway umano ng biktima ang suspect at sinabihang umuwi na siya namang ginawa ng huli, ngunit makalipas ang ilang minuto ay muling bumalik na may dalang sumpak at pinaputukan sa ulo ang biktima.

Mabilis na nakatakas ang suspect, habang idi­neklara na­mang dead on the spot sa lugar ang biktima.

Show comments