MANILA, Philippines - Pinaliit na, pinalitan pa ng tarsier ang panunumpa ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa likod ng P200 bill.
Isa lamang ito sa mga bagong disenyo ng mga perang papel ng bansa na inilabas kahapon ng Bangko Sentral ng Pilipinas. (BSP).
Inilunsad ang mga bagong bank notes kamakalawa at makikitang mas bata na ang mga larawan ng mga bayani.
Binago na rin ang imahe sa P500 bill at magkasama na ang mag-asawang sina dating Pangulong Cory Aquino at dating Sen. Ninoy Aquino at may pirma ni Pangulong Noynoy.
Ayon kay P-Noy, ang paglalagay niya ng lagda sa tabi ng larawan ng kanyang mga magulang ang kauna-unahang bank note sa kasaysayan na may “parent and child” features.
Bukod dito, inilunsad din ng BSP ang bagong P20 kung saan nasa larawan naman si dating Pangulong Sergio Osmeña at Banaue Rice Terraces, ang bagong P50 na may larawan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon at Taal Volcano, bagong P100 na may larawan ni dating Pangulong Manuel Roxas, pinalitan naman ng tarsier ang panunumpa ni Rep. Gloria Arroyo sa P200 bill habang ang bagong P1,000 ay may larawan ng buong pamilya ni Josefa Llanes Escoda.
Puwede pang magamit ang mga lumang pera hanggang sa susunod na 5 taon, ayon sa BSP.