MANILA, Philippines - Malakas ang ugong na magkakaroon ng ‘revamp’ sa Gabinete ni Pangulong Aquino sa darating na Enero kung saan ay ipupuwesto na ang mga natalong senatorial candidates ng Liberal Party sa pangunguna ni dating Sen. Mar Roxas.
Ayon sa source sa Palasyo, posibleng si Roxas ang italaga ni Pangulong Aquino bilang executive secretary sa Enero sa pagtatapos ng 1-year ban sa mga natalong kandidato sa nakaraang May 2010 elections.
Si Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. ang papalitan ni Roxas bilang ‘little president’ at posibleng ilagay bilang presidential chief legal counsel naman si Ochoa.
Bukod kay Roxas, posibleng ipuwesto na rin ni P-Noy sina dating Bukidnon Rep. Nerius Acosta bilang DENR chief at dating Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon bilang DOT secretary.