MANILA, Philippines - Inaprubahan na sa ikatlong pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang paglikha ng karagdagang distrito sa lungsod ng Iloilo.
Binigyang-diin ni Iloilo Rep. Jerry P. Treñas na ang karagdagang legislative district sa naturang probinsiya ay sadyang kinakailangan at napapanahon.
“The present population, income and geographical dimension, more than qualify Iloilo City to merit another legislative district,” ani Trenas, chairman ng House Committee on Good Government.
Sa sandaling pagtibayin ang House Bill 2061, inaasahang magiging dalawa na ang tatayong kinatawan ng Iloilo City.
Ilang ulit na ring tinangkang makalikha ng ikalawang distrito sa Iloilo City simula noong Hunyo 4, 2008 subalit nanatili itong nakabitin.
Umaasa ang kongresista na kakatigan ng Senado ang patas na representasyon para sa mga taga-lalawigan.
Samantala, inaprubahan din ang House Bill 3692 na nagdaragdag naman ng bagong legislative district para sa Bacolod City.