MANILA, Philippines - Binatikos ng grupong Kilusang Lawa Kalikasan (KLK) ang biglaang pagbasura ng gobyerno sa P18.7-bilyong Laguna Lake Rehabilitation Project (LLRP).
Dahil dito, tiyak na umanong magpapatuloy ang pagbaha sa 15 bayan at siyudad sa Laguna at National Capital Region (NCR).
Iginiit ni KLK spokesman Gil Navarro na ang nasabing proyekto ay ibinasura ni Pangulong Aquino sa pamamagitan lamang ng press release at basta na lamang binalewala ang kontraktor at saka ihahayag sa buong mundo na hindi siya interesado sa proyekto na dinisenyo upang lumalim ng 94,900 ektarya ang lawa at saka mag-establish ng navigation channel upang masiguro na ang Laguna de bay ay maaring pag-imbakan pa ng mas maraming tubig.
Lumagda ang KLK ng hiwalay na petisyon noong Setyembre para kina Aquino at Haring Albert II ng Belgium para sa 35,000 miyembro ng mga organisasyon sa Lake Region at hiniling na ipagpatuloy ang proyekto.
“The impact of this action will be seen in the drying up of assistance for our poor country. The European Union (EU), a 27-nation bloc, is currently headed by Belgium. It would surely take note of Aquino’s cancellation of the LLRP and act in its best interest,” babala ni Navarro.