Bahay ni Erap sa Polk Street ibebenta na

MANILA, Philippines - Kontra si Senator Jinggoy Estrada at kaniyang inang si Dra. Loi sa plano ni dating Pangulong Joseph Estrada na ipagbili ang kanilang bahay sa Polk Street, San Juan City.

Ayon kay Estrada, lubhang napamahal sa kanila ang nasabing bahay at maging ang kaniyang ina ay hindi pabor sa gagawing pagbebenta.

Pero agad ding nilinaw ni Estrada na iginagalang nila ang desisyon ng kaniyang ama na ipagbili ang kanilang bahay sa Polk Street sa halagang P330 milyon.

Nasa 3,000 square meters numano ang nasabing bahay na may sariling clubhouse.

Inamin din ni Estrada na hindi nila alam ang napaulat na plano ng kaniyang ama na pumasok sa real estate business.

Nilinaw din ng senador na hindi niya masisi ang kaniyang ama sa desisyon nito lalo pa’t wala na itong income matapos matalo sa nakaraang pre­si­dential election at umabot pa ng anim na taon at kalahating nakakulong.

Show comments