MANILA, Philippines – Nagpahayag kahapon ng pagtutol ang isang mala-king non-government organization sa Bataan sa kuma-kalat na ulat sa lalawigan na kinokonsiderang italaga si dating Bataan Gov. Leonardo Roman bilang pinuno ng free port authority doon.
Sinabi ng Balikatan People’s Alliance na kaila-ngan munang maresolba ang mga pagdududa sa ilang proyektong isinagawa noong administrasyon ni Roman anim na taon na ang nakakaraan bago ito bigyan ng posisyon.
Pinuna ni Balikatan provincial chairman Rene Le- rolio na noong 2004 na termino ni Roman, buong ibina-yad ang halagang P3,310,636.36 para sa konstruksiyon ng mini-theatre sa Bataan State College sa bayan ng Abucay. Subalit sinimulan lamang ang proyekto nang mabunyag ito sa publiko at hindi ito natapos.
Noong Peb. 5, 2004, may naulat ding kabuuang bayad na P212,115.91 para sa rehabilitation ng Municipal Plaza ng bayan ng Samal subalit sinimulan lamang umano ang proyekto nang mabunyag ito.
Ayon naman kay Region 3 Balikatan chair Pepito de Juan na sinimulang itayo ang Peninsula Housing project sa bayan ng Samal town matapos makakuha ang pamahalaang panlalawigan ng P143,027,300 na developmental loan mula sa Pag-IBIG Fund ngunit hindi umano natapos ang proyektong pabahay at ang ilang unit na nagawa ay napatunayang depektibo.