Ex-mayor, 8 pa dawit sa P44M anomalya

MANILA, Philippines - Sinampahan ng ka­song criminal sa Office of the Ombudsman ang dating alkalde ng Lipa City kasama ang 6 na incumbent officials at 2 negosyante dahil sa umano’y P44 milyong ghost purchase ng sup­­plies bago at matapos ang May 2010 elections.

Kinasuhan sina da­ting Lipa Mayor Oscar Gozos, Engr. Ireneo Adaya, dating city engi­neer Renato Katigbak, City accountant Ma. Belen Mercado-Villa­­nueva, accounting ins­pec­­tors Dante Litargo at Arnold del Rio; stock custodian Jonas Custodio; Virgilio Nestor Mendoza ng V.N. Mendoza trading at Ma. Judy Silva ng HSR 88 tra­ding at ang kinatawan ni Silva na si Rico Rosita.

Kinasuhan sila ni Engr. Roldan Lopez b­ilang tax­­payer at bilang city engineer ng Lipa City, ng umano’y pandaraya sa public trea­sury, falsification, qualified theft, direct bribery, pag­­labag sa anti-money laun­­derning law, ill-gotten wealth, paglabag sa code of conduct and ethical stan­dards ng public officials, hindi pagdedeklara ng income at paglabag sa anti-graft and corrupt practices act.

Natuklasan ni Lopez ang mga umano’y ano­malya matapos itong ita­laga na city engineer noong July 2.

Show comments