Layunin ng 'Truth' topic sa workshop

MANILA, Philippines - Kinuwestyon ng ilang grupo ang tunay na layunin ng Truth Commission na binuo ni Pangulong Aquino dahil baka magsilbi lamang itong ‘witch-hunt’ upang hanapin ang mga pagkakamali ng Arroyo administration habang ayaw nitong silipin ang mga pagkakamali ng nakalipas na mga administrasyon.

Ito ang nagkakaisang pananaw ng mga dumalo sa workshop sa Ateneo Law School kaugnay sa itinayong Truth Commission na pinamumunuan ni retired Chief Justice Hilario Davide.

Ang workshop na itinaguyod ng Project on Justice in Times of Transition (PJTT) ay dinaluhan nina Ateneo Law dean Cesar Villanueva, dating Peace Ad­viser Anabelle Abaya, Task Force Detainees deputy executive director Sister Crecensia Lucero, Susan Granada ng Ecumenical Council, Caloocan Bishop Deogacrias Yniguez, columnist Carmen Pedrosa.

Lumitaw sa pag-aaral ng PJTT na malayo ang itinayong Truth Commission sa ibang Truth Commissions na ang layunin ay imbestigahan ang mga pag-abuso sa karapatan at naganap na war crimes habang ang Davide Truth Commission ay naghahanap lamang ng graft and corruptions umanong nagawa ng Arroyo gov’t pero ayaw nitong imbestigahan ang mga kapalpakan ng nakalipas na mga administrasyon. 

 

Show comments