Shalani gustong kuning leading lady ni Jinggoy

MANILA, Philippines - Plano ni Sen. Jinggoy Estrada na ku­ning leading lady kapag gumawa ito ng pelikula ang ex-girlfriend ni Pa­ngulong Benigno Aquino III na si Valenzuela City Councilor Shalani Soledad na bagong co-host ni Willie Revillame sa game show nito sa ABC 5.

Ayon kay Sen. Estrada, may karapatan si Shalani na pasukin ang mundo ng showbiz dahil sa ganda at galing nitong magsalita.

“Meron siyang K, may karapatan na mag-artista,” wika pa ni  Estrada.

Ito ang naging reaksiyon ni Estrada nang  hingan ng reaksiyon sa ginawang pagpasok ni Shalani sa TV hosting.

Sinabi pa ni  Estrada  na kahit hindi pumasok sa pulitika si Shalani ay tiyak na sisikat ito at kukunin ng mga movie producers.

Naging kontrobersiyal ang pagpasok ni Shalani sa TV hosting dahil makaka-partner nito si Revillame na sumuporta kay Sen. Manuel Villar Jr. sa nakaraang presidential election.

Show comments