Hirit ni Andal Jr. na makapag-piyansa didinggin ng korte

MANILA, Philippines - Pinayagan ng korte ang kahilingan ng Maguindanao massacre principal suspect na si Andal Ampatuan, Jr. para maipagpatuloy ang pagdinig sa kanyang kahilingan na makapagpiyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan kaugnay ng kanyang kaso.

Ang hakbang ay bilang tugon ng korte sa petisyon ni Andal Jr sa Quezon City Regional Trial Court Branch 221 para magkaroon ng pagpapatuloy ang pagdinig sa request na pa­yagan siya ng korte na makapagpiyansa dahil hindi naman daw ma­tindi ang ebidensiya sa kanya na nag-uugnay sa masaker.

Sa kanyang 2-pahinang kautusan, inatasan ni QC-RTC branch 221 Presiding Judge Jocelyn Solis-Reyes ang pag-consolidate sa bail hearing ni Andal Jr  sa apat na sets  ng kaso na may kinalaman sa Maguindanao masaker at sa pagsasagawa ng patuloy na pagdinig hinggil dito.

Itinakda ni Judge Solis-Reyes ang susunod na hearing sa petition for bail ni

Andal, Jr. sa Nobyembre 17 at 24.

Show comments