MANILA, Philippines - Bumuo ng inter-agency task force ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para iligtas ang mga isdang ludong sa Cagayan Valley.
Bihirang makita sa mga karagatan ang isang ludong at nanganganib na maubos sa Cagayan kaya ipinagbabawal na hulihin at kainin sa nabanggit na lalawigan.
Bukod dito, ang task force ang magpapatupad ng research, development, conservation at protection maging ang malawakang advocacy at information, education at communications para mapangalagaan ang mga ludong.
“We appeal to our fishermen to refrain from catching ludong this season and for buyers to meantime forego of their appetite in order to provide the much needed respite for the species,” panawagan ni BFAR Region 2 Regional Director Jovita Ayson.
Ang Ludong ay pinakamahal na pagkaing isda sa bansa na may halagang P4,000 hanggang P5,000 kada kilo at tumataas pa ang halaga taun-taon.