Jackpot prize sa Grand Lotto papalo sa P353-M

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P353 milyon ang jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 draw na bobolahin ngayong gabi, na pinakamalaki sa kasaysayan ng lotto games ng PCSO.

Nanatiling mailap sa mga mananaya ng lotto ang panalo, matapos na hindi tamaan ang winning combinations na 15-38-17-39-11-3 na may premyong P333, 577, 429.20 sa draw noong Sabado.

Ayon sa Philippine Charity Sweeptakes Office, inaasahang tataas pa ang premyo nito sa P353 milyon dahil sa pagdagsa ng mga mananaya sa mga lotto outlets nationwide.

Sinasabing minor prizes lamang ang napanalunan ng mga lotto bettors, tulad ng EZ2, Swertres, 6 Digit at Lotto 6/42 kung saan may isang nanalo ng P9,795,798.00 mula sa winning number combination na 08-09-16-12-02-03.

Ang highest jackpot prize sa history ng lotto games ay P347 milyon sa Super Lotto draw noong Pebrero 2009 na tinamaan ng dalawa katao.

Show comments