Magallanes flyover bumibigay

MANILA, Philippines - Dahil sa nadiskubreng lamat sa Magallanes flyover ay tuluyan nang isinara ng Makati City Go­vernment­ at Metropolitan Manila Development Authority­ (MMDA) ang south­bound lane nito sa mga mabibigat na behi­kulo upang hindi na ma­dag­dagan ang pinsala.

Kahapon ay pansa­mantala ring pinahinto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang paghuhukay sa gilid ng Magallanes flyover dahil sa posibi­lidad na bumigay ang pun­das­yon nito matapos magka­roon ng bitak ma­lapit sa Bonifacio street corner Osmeña Highway.

Ipinagbabawal ang pagdaan dito ng mga be­hikulong may bigat na lag­pas sa 4.5 tone­lada. Maaari naman umanong dumaan ang mas maga­gaan na mga behikulo sa flyover dahil sa matatag pa rin umano ito upang su­portahan ang naturang mga uri ng sasakyan.

Ayon sa MMDA, uma­abot sa 2,000 trak kada araw ang dumaraan sa naturang flyover. 

Ayon naman kay DWPH Undersecretary Romeo Momo, kinakaila­ngang malagyan ng su­porta ang pundasyon ng flyover upang masiguro ang kaligtasan ng mga motorista.

Paliwanag ni Momo, dapat na malagyan ng shoring o kalso ang safety beam na nagsisilbing pun­dasyon ng flyover upang maprotektahan ang wall nito upang masi­guro na hindi mauuga ang pun­dasyon sa muling ga­gawing paghuhukay ng First Philippine Industry Corporation (FPIC) sa gilid ng Magallanes Interchange.

Idinagdag pa ni Momo na hindi pa man tuluyang naapektuhan ng pag­hu­hukay ang Magallanes flyover at ang gagawing shoring ay bilang protek­syon lamang sa istraktura nito.

Sa sandaling matapos umano ang shoring o pag­lalagay ng kalso, muli umano itong iinspek­syunin ng DPWH at ka­pag walang nakitang prob­lema ay maari nang muling ituloy ang paghu­hukay. Ang paghuhukay sa pipeline ng FPIC ay dahil sa nadisku­breng tagas nito.

Show comments