MANILA, Philippines - Umaabot ng P11.28 bilyon ang nakolekta ng Social Security System (SSS) mula Visayas at Mindanao mula Enero hanggang Setyembre ng taong kasalukuyan.
Ayon kay SSS President Emilio de Quiros, ang naturang hakbang ay may 8 porsyentong taas sa nakolekta ng ahensiya sa nagdaang taon sa kaparehong period.
“We are pleased to report that the five SSS cluster offices in Visayas and Mindanao each posted growths in contribution collections of six to ten percent,” pahayag ni De Quiros.
May 62 tanggapan ang SSS sa 34 na lalawigan sa Visayas at Mindanao, wika pa ng SSS chief.
Sinabi din ni De Quiros, ang 9 buwan na koleksiyon ay kasama ang P633.55 milyong overdue premiums na na-remit ng mga employers sa Visayas at Mindanao.
“We surpassed the P404.79 million target collection of delinquent contributions for Visayas and Mindanao by 57 percent or almost P230 million,” dagdag ni De Quiros.