Scholarship ni Villar sa nabiktimang OFWs

MANILA, Philippines – Inilunsad kahapon ni Senador Manny Villar sa pakikipagtulungan ng Blas Ople Policy Center and Training Institute ang scholarship program para sa mga OFW na biktima ng human trafficking at illegal recruitment.

Kaagapay ang Asian School of Hospitality Arts (ASHA), ang proyekto ay inilunsad sa Cofee Bea­nery sa Quezon City kung saan 20 OFW ang sasa­ilalim sa tatlong buwang kurso ng hotel housekeeping at pag-aaral maging barista. Maka­ka­tanggap ng bayad ang mga ito at posibleng tulu­yang kunin bilang mga em­pleyado ng mga establi­simyento kung saan sila nag-OJT.

Kabilang sa mga iskolar ang ilang OFW na biktima ng human trafficking sa Saudi at Malaysia. Ang iba ay mga magsa­saka mula sa Nueva Ecija na niloko ng mga illegal recruiters.

 “Ang programang ito ay pagbibigay-pugay natin sa mga OFW na patuloy na lumalaban upang ma­kamtan nila ang hustisya laban sa mga nanloko sa kanila,” ayon kay Sen. Villar. Ito din ay paraan ng senador na maipagpatuloy ang pangakong pagbibi­gay-tulong sa mga OFW.

Para sa mga kata­nu­ngan sa Skills-Up Program, tumawag sa Blas Ople Policy Center 833-5337, 833-9562.

Show comments