MANILA, Philippines - Mariing kinondena ng tumakbong barangay chairman ng Brgy. Plainview, Mandaluyong City ang umano’y anomalyang naganap sa naturang lugar nitong nakalipas na Barangay at SK elections.
Naghain ng reklamo sina Julio de Quinto, kandidato para Punong Barangay; mga kandidato para kagawad na sina Jeffrey de Quinto, Erwin Villegas, Dindo Cristobal, Edgardo de la Cruz, Jerry Casem at Eric Villanueva sa Comelec laban sa mga katunggali nilang sina Ryan G. Mendoa (chairman), mga kagawad na sina Mark Bello, Lemuel Bonga, Peter Cruz, Hubert delos Santos, Michael, Willy Pascual at Blanca Romero, sa kasong pamemeke umano ng mga dokumento, tampering of ballots, pananakot sa mga botante at watchers, pagdadala ng mga flying voters, pagsakay ng mga balota sa sasakyan ng isang pulitiko at paggamit ng sasakyan ng barangay.
Hinihiling ni Quinto sa pamunuan ng Comelec na agad na gawan ng kaukulang aksiyon ang nasabing mga insidente. Maging ang mga taga-suporta ni Quinto ay sumisigaw ng hustisya sa maruming halalang naganap sa Plainview.