MANILA, Philippines – Hindi umano mawawala ang matinding trapik mula Calamba, Laguna patungong Sto. Tomas, Batangas hanggat nananatiling sarado ang bagong South Luzon Expressway (SLEX) extension na nagdurugtong sa Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway o kilalang Toll Road 3 or TR3 at habang hindi pa din inaaprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang toll matrix.
“Without the toll matrix from TRB, the operators of SLEX does not know if it may charge the new toll rates since it is a new road,” ayon sa SLEX operators.
Sinabi ng SLEX operators na ang 7.6km long and 4 lanes wide na TR3 ay isang modernong expressway.
Kung ito ay mabubuksan, ang mga sasakyan galing norte ay hindi na kailangan lumabas sa STAR at ang mga motorista patungong south ay maaari na din iwasan ang paglabas sa SLEX at dadaan na lamang sa mga toll plazas na nagkukunekta sa dalawang expressways.
Pinahintulutan na ng Supreme Court ang planong pagtataas ng toll rate matapos magdesisyon ang SC sa legalidad ng kontrata ng SLEX at dalawa pang major toll ways sa Luzon.
Sinabi naman ni Batangas 3rd district Rep. Sonny Collantes na nagrereklamo na ang mga investor sa pagsama ng traffic mula Calamba, Laguna patungong Sto. Tomas, Batangas dahil apektado ang mga negosyo at serbisyo. Maging mga turista ay umiiwas patungong Southern Tagalog region.
Ayon kay Collantes, ang gobyerno ay pumasok sa kasunduan sa SLTC (South Luzon Tollways Corp.), sa pamamagitan ng TRB at kailangan nitong tuparin ang mga obligasyon para din mapahintulutan makasingil ng toll fees ang operator para sa bagong gawang kalsada.