6 Pinoy sa Kabul plane crash kilala na

MANILA, Philippines - Kinilala na ng Embahada ng Pilipinas ang anim na Filipino na nasawi sa bumagsak na C-130 cargo plane sa Kabul, Afghanistan noong Martes.

Ito’y sina pilot Henry Bulos, co-pilot Rene Badilla, mga crew na sina Nilo Medina at Ibelo Valbuena. Dalawa pang Pinoy na nakilala lamang sa mga pangalang Mr. Castillo, mekaniko at Mr. Padora, isang avionic.

Inatasan na ng DFA-Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs ang Embahada na magbigay ng assistance at makipag-koordinasyon sa mga awtoridad at sa employer ng mga biktima para sa agarang repatriation sa kanilang mga labi at ma­ibigay ang mga benepisyo para sa kanilang pamilya.

Show comments