Visayas bloc sa House umaray sa maliit na budget

MANILA, Philippines - Naunsyami ang pag-apruba sana ng Kamara sa ikalawang pagbasa ng pambansang budget nang sabay-sabay na tumayo ang mga kongresista mula sa Visayas para suspindihin ang deliberasyon sa 2011 national budget.

Ayon kay Rep. Ben Evardone, dalawang bagay ang kinukuwestiyon nila sa budget, una na rito ang mababang alokasyon sa Visayas budget na nasa 7.7% lamang kumpara sa 19% sa Mindanao at16.3% sa Luzon.

Agrabyado umano ang Visayas region sa hatian ng pondo. Nakatakdang magpulong ang 44 solon mula sa Visayas pero nangakong hindi ito mauuwi sa pagkalas nila ng suporta kay Pangulong Aquino.

Show comments