MANILA, Philippines - Isang Army colonel ang patay matapos ang pakikipag-engkwentro sa mga rebeldeng NPA sa Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Cpl. Emmanuel B. Abin II, 26, binata, ng bayan ng Ragay sa Camarines Sur.
Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, si Abin ay nasawi sa engkwentro sa pagitan ng hindi mabatid na bilang ng rebelde sa may Sitio Pinta, Brgy. Pinamihagan, Lagonoy, sa nasabing lalawigan alas-2 Biyernes ng umaga.
Sinasabing si Abin ay kabilang sa platoon ng mga sundalo na pinamumunuan ni 1st Lt. Nonie Alcala nang makasagupa nila ang mga rebelde na nagsasagawa umamo ng pangongotong sa mga negosyanteng Intsik na nag-ooperate sa minahan ng copper sa lugar.
Tumagal umano ng limang minuto ang sagupaan kung saan tinamaan si Abin sa sikmura, habang napaulat na may sugatan din sa panig ng mga rebelde.
Nagawa pa umanong maitakbo ng mga combat medic ang biktima sa local hospital ngunit binawian din ito ng buhay.